PatrolPH

Lolo na minolestiya ang sariling apo arestado

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2022 07:19 AM

Watch more News on iWantTFC

Arestado ng Batasan police si Alyas Nonong, 51 anyos ng Barangay Commonwealth, Quezon City matapos ireklamo ng mismong anak nito sa pangmomolestiya sa kanyang sariling apo.

Ayon kay Station 6 Commander P/Lt Col Alexy Sonido, naaktuhan ng mismong anak ng suspek ang pangmomolestiya ng lolo sa anim na taong gulang na apo

Agad niya itong ipinagbigay alam sa mga kawani ng Station 6 at agad naman naaresto ang suspek

Aminado naman ang suspek sa ganyang nagawa at nagsisi na umano siya sa nagawa.

ABS-CBN News, April 4, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.