PatrolPH

Construction site sa Maynila ninakawan, 4 timbog

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2022 07:17 AM

Watch more News on iWantTFC

Kulungan ang bagsak ng apat na lalaki dahil sa umano’y pagnanakaw ng materyales sa isang construction site sa Manila. 

Ayon sa España/Blumentrit pulis, natyempuhan ng mga nagpapatrol na police ang isang komosyon sa construction site sa Antipolo Street madaling araw ng Linggo. 

Nireport ng sekyu ng lugar sa mga otoridad na nakita niya ang apat na lalaki na nagkakarga ng mga materyales sa isang L300 van pasado alas tres ng umaga.

Na-aresto naman sa follow up operation ang dalawa pang suspek kabilang ang trabahador sa Construction. Tinatangi naman nila ang mga paratang. 

Damay naman ang helper ng junkshop sa Tondo na nasakote rin, na itinuturing na ika-apat na suspek.

Nakuha sa kanya ang umano'y mga nakaw na bakal na aabot sa halos P300,000 ang halaga. 

Ayon sa nagsisising helper, nabili niya ang mga materyales ng P 7,300.

Haharap ang mga suspek sa kasong Theft, Malicious Mischief, at paglabag sa Anti Fencing Law. 

Patuloy namang tinutugis ng mga pulis ang driver ng L300.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.