PatrolPH

Pahalik sa Poong Nazareno, bukas na ulit sa publiko

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2022 11:19 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Sa unang araw ng Abril at unang Biyernes ng buwan, muling binuksan sa publiko ng pamunuan ng Quiapo Church ang Pahalik sa Itim na Poong Nazareno. 

Ayon kay Rev. Fr. Danichi Hui, bukas ang pahalik mula 4 a.m. hanggang sa magsara ang simbahan mamayang gabi. Walang limit sa mga deboto na nais mahawakan ang imahen ng Poong Nazareno.

Pero aniya, may mga safety protocols pa rin silang ipatutupad.

Halimbawa, idi-disinfect muna ang kamay ng mga deboto bago nila hawakan ang imahen ng Poon. Bawal din muna ang pagpahid ng panyo o kahit anong uri ng tela sa imahen dahil hindi ito nadi-disinfect. 

Labis namang ikinatuwa ng mga deboto ang pagkakataon na mahawakan ang Itim na Nazareno. Ang iba sa kanila, nanawagan din na sana sa susunod na taon naman ay maibalik na ang Traslacion. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.