Disinfecting stations sa Maynila, pinarami pa

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2020 08:57 AM | Updated as of Apr 01 2020 11:01 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Mas dumami pa ang disinfecting station para sa mga sasakyan sa Maynila nitong Miyerkoles.

Nilatag ang mga ito sa tabi ng checkpoints sa mga pangunahing kalsada sa lungsod tulad ng Roxas Boulevard.

Dadaan ang mga sasakyan sa parang arko na may nagi-spray ng disinfectant.

Layunin nitong mabawasan ang mga virus na posibleng nakadikit sa sasakyan.

Bukod sa Maynila, may disinfecting stations din sa ibang lungsod tulad ng Muntinlupa at Quezon City.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, plano nilang magdagdag pa ng disinfecting stations sa iba't ibang bahagi ng bansa.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.