PatrolPH

Suspek sa pagpatay ng estudyante ng La Salle-Dasmariñas, tukoy na

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2023 07:20 AM | Updated as of Mar 31 2023 11:13 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Natukoy na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa graduating student ng De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite na si Queen Leanne Daguisin.

Sa pamamagitan ng CCTV backtracking, nahanap ng Dasmariñas at Cavite police ang dating tinitirhan ng suspek sa Barangay San Nicolas Dos, kung saan siya umuwi noong Martes para magpalit ng damit.

Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang backpack at pinagbihisan ng suspek, na pinaniniwalaang gamit niya noong gawin ang krimen.

Napag-alaman ng mga pulis na dati nang nasangkot sa pagnanakaw ng suspek.

Kwento rin ng pamangkin ng suspek, hindi niya inaasahang babalik pa ito sa bahay nila dahil itinakwil na niya siya matapos nitong molestyahin ang kanyang anak noong Pebrero.

Hanggang ngayon, ongoing ang paghahanap sa suspek.

Umakyat na sa P1.1 milyon ang pabuya para sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng suspek.

— TeleRadyo, 31 Marso 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.