80 stranded sa CamSur dahil sa lockdown, kinupkop muna ng army

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2020 10:55 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasa 80 manggagawang stranded dahil sa enhanced community quarantine na ipinatutupad sa buong Luzon ang pansamantalang nananatili sa Camp Elias Angeles sa bayan ng Pili sa Camarines Sur.

Ayon kay Major Fernando Trinidad, commander ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nakita ng kanilang mga sundalo ang mga manggagawa na natutulog sa kalsada. Karamihan sa mga manggagawa ay mga construction workers sa National Capital Region.

Nakarating na umano sa bayan ng Del Gallego sa Camarines Sur ang grupo at tatawid sana ng dagat subalit wala nang masakyan pa.

Ang 32 sa kanila ay uuwi sana sa Masbate habang 32 ang taga Surigao at 16 ang mula sa General Santos. 

Sa Division Training School ng kampo muna sila mananatili hanggang matapos ang quarantine. 

Ang Philippine Army muna ang sasagot sa kanilang pagkain at pang araw-araw na pangangailangan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.