Suspek sa pangingikil kay Kiefer Ravena, nagpanggap na babae?

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2017 11:59 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sumailalim na sa inquest proceeding ang suspek sa pangingikil sa basketbolistang si Kiefer Ravena kaninang Biyernes ng umaga. Ayon sa imbesigasyon ng PNP Anti-Cybercrime group, ang suspek din umano ang nagpanggap na babae na umano’y nakipagtext at nanakot kay Ravena. Sinampahan ang suspek ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, at RA 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009. Nagpa-Patrol, Maan Macapagal. TV Patrol, Biyernes, 31 Marso 2017