Klinika kung saan namatay ang babaeng nagparetoke, walang DOH permit

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2017 12:17 AM | Updated as of Oct 05 2017 11:26 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagsalita na ang kampo ng The Icon Clinic kung saan namatay ang isang negosyanteng nagparetoke. Ayon sa kanila, hindi totoong tatlong sabay-sabay na operasyon ang ginawa kay Saturnino. Lahat daw ng laboratory exams ay ginawa kay Saturnino bago siya inoperahan, at alam ng mga doktor nila ang medical history ng pasyente. 

Sinabi naman kahapon ng Mandaluyong City Hall na walang permit ang klinika mula sa Department of Health. Medical clinic lang ang permit ng Icon, at hindi puwedeng magsagawa ng operasyon. Ipinaliwanag din nila ang kinukuwestiyon sa kanilang mga permit at dahilan ng pagkamatay ng biktima. Exclusive! Nagpa-Patrol, Ron Gagalac. TV Patrol, Biyernes, 31 Marso 2017