Home > News Graduating student na ninakawan at pinatay sa Cavite, ibinurol na Anna Cerezo, ABS-CBN News Posted at Mar 30 2023 07:25 AM | Updated as of Mar 30 2023 12:20 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Ngayong Huwebes sana uuwi si Queen Leanne Daguinsin sa kanyang pamilya sa Pila, Laguna. Pero imbes na i-enjoy ang unang araw ng bakasyon sa bahay, idinadaos ngayon ang ikalawang araw ng kanIyang burol. Nilarawan si Leanne ng kaniyang bunsong kapatid bilang matulungin at mapagbigay na kaibigan. At mapapatunayan ito sa rami ng mga kaibigan niya mula noong high school na bumisita nitong Miyerkoles. Ayon pa sa bunsong kapatid, si Leanne ang pinakamasipag sa kanilang magkakapatid mag-aral at halos hindi raw lumalabas ng kuwarto. Plano sana ni Leanne mag-apply bilang flight attendant pagkakuha niya ng diploma niya sa computer science ngayong taon. Pero base sa report, sinaksak si Leanne sa leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan nang 14 beses na hindi pa nakikilalang salarin sa isang dormitoryo sa Cavite noong Marso 28. Graduating student ninakawan at pinatay sa Cavite Ayon sa hepe ng Dasmariñas City Police na si P/Lt. Col. Juan Oruga, patuloy pa din ang hot pursuit operation nila at ang backtracking sa mga CCTV para matunton ang salarin. Para sa mga miyembro ng pamilya Daguinsin, hindi simpleng wallet, cellphone, at laptop ang ninakaw sa dalaga, kundi ang kaligayahan nilang mag-anak na hindi na muli mabubuo. Plano ng pamilya na ilibing si Leanne sa malapit na sementeryo sa Pila sa susunod na linggo. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber PatrolPH, Tagalog news, TeleRadyo Read More: Pila Laguna Dasmariñas City Cavite graduating student