PatrolPH

Caloocan-España section ng NLEX Connector binuksan

Karen De Guzman, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2023 07:07 AM

Watch more on iWantTFC

Binuksan na ang 5-kilometrong NLEX connector na magdudugtong sa Caloocan at Maynila, Miyerkoles ng hatinggabi. 

Sa ngayon, wala pang sisingiling toll ang NLEX para maranasan muna ng mga motorista ang kaginhawaan sa paggamit nito. Mag-aabiso naman sila kung kailan magsisimula ang paniningil. 

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layon nitong gawing 5 minuto na lang ang biyahe mula Maynila hanggang Caloocan, sa halip na 30 minuto. 

Sakto rin ang pagbubukas nito ngayong linggo para sa inaasahang dami ng babiyahe sa papalapit na Semana Santa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.