Home > News Akyat-bahay umano tiklo sa QC; 3 menor de edad pinaghahanap ABS-CBN News Posted at Mar 29 2022 06:48 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA—Hinuli ng pulisya ang isang 19-anyos na binata matapos umanong masangkot sa panloloob ng isang bahay sa Quezon City kasama ang iba pang tatlong menor de edad. Ayon sa QCPD Kamuning Station, pilit umanong inakyat ng apat ang garahe ng isang bahay sa Barangay South Triangle nitong Linggo ng madaling araw. Nakapasok sila at nagawa nilang kunin ang isang mountain bike na nagkakahalaga ng P60,000, isang electronic bike na may halagang P30,000, dalawang helmet na tinatayang nasa P7,000, at dalawang Vespa key na nagkakahalaga naman ng P120,000. Isang testigo ang nakapansin sa mga kawatan at sinigawan niya ang mga magnanakaw kaya nagpulasan ang mga salarin. Sinikap habulin ng testigo ang mga suspek ngunit hindi na niya inabutan ang mga kawatan. Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at nitong Lunes ay nakita nila ang suspect na umano'y ibinebenta ang nakaw na helmet sa Barangay Sacred Heart. Agad inaresto ang suspek na positibong kinilala ng witness. Mga batang akyat-bahay Narekober sa kanya ang isang helmet na kumpirmadong pag-aari ng biktima, pero wala na ang iba pang gamit na ninakaw. Patuloy na tinutugis ang mga kasabwat ng suspek. Sila ay mahaharap sa kasong robbery sa ilalim ng Article 293 ng Revised Penal Code.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, Quezon City, crime Read More: Quezon City akyat bahay QCPD robbery