PatrolPH

P3.4-M halaga ng umano'y shabu nasamsam sa Antipolo; magbiyenan tiklo

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2023 06:42 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Kalaboso nitong Lunes ang magbiyenan na hinihinalang supplier ng shabu sa Antipolo City at mga kalapit na lugar.

Inaresto ang dalawa sa kanilang bahay sa Sitio Milagros sa Sta. Elena matapos magbenta umano ng shabu na may halagang P3,000 sa isang poseur buyer.

Umabot sa kalahating kilo ng hinihinalang shabu ang narekober kalaunan sa mga suspek.

Giniit ng biyenan na nadamay lamang siya, habang inako naman ng kanyang manugang ang mga nakitang ilegal na droga.

Pero ayon sa hepe ng Antipolo na si P/Lt. Col. June Paolo Abrazado, parehong high-value target individual ang mga suspek.

Nakalista umano ang dalawa sa monitoring ng mga kilalang nagtutulak ng malakihang volume ng droga sa lugar.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo City Police and dalawa. Haharap sila sa kasing kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.