PatrolPH

Dalagita nalunod sa Happyland, Tondo

Karen de Guzman, ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2023 08:51 AM

Watch more on iWantTFC

Dead on arrival nang isugod sa ospital ang 13-anyos na dalagita matapos maligo at malunod sa breakwater ng Happyland sa Brgy. 105, Tondo, Manila nitong Sabado. 

Base sa ulat ng Manila Police District, pasado alas kwatro ng hapon nang lumangoy sa breakwater ang biktima kasama ang kanyang nakababatang kapatid at mga kaibigan. 

Habang nagtatampisaw sa tubig, nakita ng nakababatang kapatid ang biktima na nalulunod. Sa takot at taranta nito, umuwi pa ang bata para humingi ng saklolo sa kanyang tiyuhin. 

Naidala pa ito sa ospital pero binawian rin ng buhay.

Ayon sa magulang ng biktima, hindi niya alam na pupunta doon ang kanyang mga anak. Posibleng may kapabayaan rin aniya sa barangay na nakakasakop sa lugar. 

Paliwanag naman ng barangay, binakuran na nila noon ang naturang area sa Happyland na talagang dinadayo ng mga bata.

Ayon pa sa mga residente, puntahan talaga ang naturang breakwater ng mga bata lalo na tuwing sasapit ang Mahal na Araw at tag-init.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.