PatrolPH

4 arestado sa buy-bust sa Quezon City; umano’y shabu nasabat

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2022 10:08 AM

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC

Aabot sa P136,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang buy-bust operation sa Quezon City, kung saan inaresto ang apat na tao, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek bilang sina alyas Rem, Rex, Raymundo at Pablo – pawang mga residente ng Barangay Baesa sa lungsod.

Natunton noong Biyernes ang apat matapos ituro ng isang concerned citizen ang tambayan ng mga umano'y tulak ng ilegal na droga sa 1st Street sa Barangay Pasong Tamo.

Isang pulis umano ang nagpanggap ng buyer at binentahan ng P1,200 halaga ng shbau ni Rem.

Narekober sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu, coin purse at perang ginamit sa transakyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. – Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.