Home > News 5 sugatan, 26 pamilya apektado ng sunog sa Las Piñas Andrea Taguines, ABS-CBN News Posted at Mar 25 2023 09:15 AM | Updated as of Mar 25 2023 06:40 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Watch more News on iWantTFC MAYNILA — Lima ang sugatan habang 26 pamilya ang apektado sa sunog na sumiklab sa Barangay Elias Aldana sa Las Piñas City nitong Biyernes. Tabi-tabi ang mga bahay sa lugar at ang karamihan ay gawa pa sa light materials kaya mabilis kumalat ang apoy. Kuwento ni Arthur Esguerra, isa sa mga nasunugan, kumain sila ng hapunan ng kaniyang pamilya sa labas. Pagbalik nila, malaki na ang sunog kaya wala na silang naisalbang gamit. Umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula. Ayon sa Bureau of Fire Protectiojn, nahirapan silang pumaspok sa fire scene dahil sa dami ng taong lumilikas. Inaalam pa ang naging sanhi ng sunog. Paano umiwas, tumugon sa sunog? Sundin ang ‘PADRE,’ ayon sa BFP TIPS: Tamang pag-iingat sa LPG tank sa bahay Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, TeleRadyo, PatrolPH Read More: sunog Las Pinas fire metro news