PatrolPH

Residential area sa Muntinlupa natupok; pinsala aabot sa halagang P500k

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2022 06:51 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Isang residential area sa Muntinlupa City ang nasunog Huwebes ng gabi.

Ayon sa BFP, nagsimula ang apoy bandang 7:30 p.m. bago ito
umakyat ng pangalawang alarma bandang 7:54 p.m.

Mga 10:05 na ng gabi nang idiniklera na itong fire out ng mga bumbero.

Tinatantyang nasa kalahating milyong piso ang pinsalang naidulot ng apoy habang higit-kumulang 50 pamilya ang apektado ng pagsiklab.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng apoy.—Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.