Mga pulis sa lansangan dinagdagan para sa Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2018 01:18 PM | Updated as of Mar 17 2020 11:58 AM

Watch also in iWantTFC

Sinabi ng police Highway Patrol Group na nagpakalat ito ng mga karagdagang tauhan sa lansangan kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga motoristang uuwi sa probinsya para sa Semana Santa simula ngayong Linggo ng Palaspas.

Ito'y kasunod na rin ng utos ni HPG director Chief Supt. Arnel Escobal na magpatupad ng maximum deployment ang mga pulis, kung saan hindi pinapayagan ang pag-leave, sabi ng tagapagsalita ng unit na si Senior Insp. Carol Jabagat.

Ipinaalala naman ni Jabagat sa mga motorista na bago bumiyahe ay ay ugaliing i-check ang brake, lights, oil, water, battery, air, gas, engine, tire at sarili o ang tinatawag na "Blow Bagets."

Maaari naman tumawag sa HPG hotline 744-4474 ang mga motoristang mangangailangan ng tulong.

DZMM, 25 Marso 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.