Mga Katoliko, dagsa sa mga simbahan para sa Palm Sunday

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2018 07:57 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ginunita nitong Linggo ng mga Katoliko ang Palm Sunday, na hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa. Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang at pagbasbas ng mga palaspas sa Manila Cathedral. Nanawagan naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pinoy na gamitin ang Semana Santa para pagtibayin ang pananampalataya at pagpapabuti ng ugnayan sa Diyos at kapuwa. Nagpa-Patrol, Abner Mercado. TV Patrol, Linggo, 25 Marso 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.