PatrolPH

Publiko hinikayat sumali sa 'Earth Hour'

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2023 11:05 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Hinikayat ng Earth Hour Philippines ang mga Pilipino na sumali sa pagtitipid ng enerhiya ngayong Sabado.

Ayon kay Earth Hour Philippines national director Angela Consuelo Ibay, ang Earth Hour ay mula 8:30 p.m. hanggang 9:30 p.m.

Hinikayat niya ang publiko na patayin ang non-essential lights at non-essential appliance sa mga oras na iyon.

Magkakaroon ng ceremonial switch-off sa Quezon Memorial Circle, kung saan magkakaroon din ng sustainability fair.

Ani Ibay, ang pagpatay sa kuryente kahit isang oras ay magdudulot ng reduction ng enerhiya at green gas effect. - SRO, TeleRadyo, Marso 24, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.