PatrolPH

Mga isda malapit sa oil spill, nakitaan ng low-level contaminants

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2023 02:45 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Nakitaan ng low-level contaminants ang ilang isda mula sa karagatang sakop ng ilang lugar na apektado ng Oriental Mindoro oil spill.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) chief information officer Nazzario Briguera, nagpositibo sa polycyclic aromatic hydrocarbons ang ilang fish sample na kanilang nakolekta sa mga dagat na tinamaan ng tumagas na langis. 

Ani Briguera, kabilang sa mga sinuri nila ay mga fish sample mula sa Naujan, Pola, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Roxas, Mansalay, Bongabong, at Bulalacao sa Oriental Mindoro.

Aniya, delikado para sa mga tao at ilang living organism ang nasabing kemikal na karaniwang natatagpuan sa mga coal o uling, crude oil at gasolina. 

Batay din sa preliminary findings ng BFAR, may bakas ng petroleum products tulad ng langis at grasa ang ilang water sample mula sa dagat na naapektuhan ng oil spill. 

--TeleRadyo, 23 March 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.