PatrolPH

ICC pinayagang magsumite ng komento ang drug war victims

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2023 09:19 PM

Watch more on iWantTFC

Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber ang hiling na magsumite ng mga report at komento ang mga biktima ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa gitna ito ng apela ng pamahalaan ng Pilipinas na huwag nang ituloy ng ICC ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa nasabing isyu. Tinanggihan din ng chamber ang hiling ng Philippine government na makita ang mga isusumite ng mga biktima. Nagpa-Patrol, Bianca Dava. TV Patrol, Huwebes, 23 Marso 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.