Quo warranto petition laban kay Sereno, ipinapabasura

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2018 01:32 AM | Updated as of Feb 06 2020 05:17 PM

Watch also in iWantTFC

Naghain ng magkahiwalay na petisyon sa Korte Suprema ang Integrated Bar of the Philippines at Makabayan bloc. Layon nitong ipabasura ang quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ikinatuwa naman ito ni Sereno. Pinatutsadahan din niya ang mga gustong magpatalsik sa kaniya sa puwesto. I-Bandila mo, Mike Navallo. - Bandila, Huwebes, 22 Marso, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.