Home > News Van sumalpok sa concrete barrier sa EDSA-Crame, 2 nasaktan Karen de Guzman, ABS-CBN News Posted at Mar 22 2023 09:04 AM | Updated as of Mar 22 2023 09:28 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Pansamantalang hindi nadaanan ang isang lane dito sa EDSA Southbound sa Crame matapos sumalpok ang isang van sa concrete barrier at bumangga rin ang kasunod na taxi. Kwento ng taxi driver na si Doroteo Duran, pag-ahon nila mula sa underpass galing Cubao, nagulat siya nang biglang bumangga ang kasabayan na van sa concrete barrier. Sa bilis ng pangyayari, hindi na siya nakapreno kaya bumangga siya sa may puwetan nitong van. Naghain na ng reklamo ang taxi driver sa traffic sector 4 ng QCPD. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber tagalog news, teleradyo Read More: Vehicular accident tagalog news teleradyo