PatrolPH

Pagpapatigil ng diskriminasyon sa mga anak sa labas ipinapanukala

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2023 11:16 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Ipinapanukala na sa Kongreso ang pagpapatigil ng diskriminasyon sa mga anak sa labas.

Ayon kay Caloocan 2nd District Rep. Mary Mitzi Cajayon, sa ilalim ng House Bill 7440, hindi na "illegitimate" ang mga anak sa labas, at magiging "non-marital". 

Gagawing "marital" naman ang mga "legitimate" na anak.

Ani Cajayon, tatanggalin ng panukala ang stigma sa mga anak sa labas.

Aniya, pagdating sa karapatan ng mana, hindi makakapagmana sa property ng magulang ang mga ito. Ang panukala na isinusulong ay pauna lamang umano. - SRO, TeleRadyo, Marso 22, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.