PatrolPH

Lalaking nangholdap ng estudyante tiklo sa Maynila

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2023 06:49 AM

Watch more on iWantTFC

Arestado ang isang lalaki matapos mangholdup ng isang estudyante sa Maynila nitong Martes. 

Galing sa eskwela ang 21-taong gulang na biktima at naghihintay lang ng masasakyang jeep sa tapat ng Metropolitan Theatre sa Maynila nang bigla na lang siyang tutukan ng baril ng isang lalaki kagabi.

Hindi na nanlaban ang biktima at binigay na lang ang kanyang cellphone sa suspek.

Ayon sa biktima, nakilala niya ang suspek dahil nginitian pa siya nito matapos makuha ang kanyang cellphone.

Kasama ang mga pulis ng MPD-Smart, hinanap nila ang suspek na nahuli sa Quinta Market sa Quiapo matapos positibong kilalanin ng biktima.

Nabawi sa suspek ang cellphone na swerteng hindi pa naisasanla o naibenta ng suspek.

Ayon sa Imbestigasyon ng pulis, pangatlong pagkakataon na nahuli ang suspek dahil nakulong na ito sa mga kasong snatching at gambling sa Maynila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.