Home > News PANOORIN: Cocaine na nakasilid sa sabon nasabat sa NAIA Karen de Guzman, ABS-CBN News Posted at Mar 22 2023 06:57 AM | Updated as of Mar 22 2023 07:17 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Arestado ang isang Turkish national matapos makuhanan ng higit tatlong kilo ng hinihinalang cocaine sa Ninoy Aquino International Airport nitong Martes. Base sa report ng Bureau of Customs, galing ng Dubai ang dayuhan at sa Brazil naman ang kanyang port of origin, isa sa mga bansang binabantayan ng BOC dahil maraming pasahero mula Brazil ang nagdadala ng ilegal na droga sa bansa. Habang isinasagawa ang inspeksyon, nakita sa bagahe ng Turkish national ang hinihinalang cocaine na nakasilid sa sabon. May nakumpiska rin na nasa 1,500 ml ng liquid cocaine. Sa kabuuan, tinatayang aabot sa higit P28 milyon ang halaga ng mga ito. Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization And Tariff Act ang suspek. Iimbestigahan naman ng mga awtoridad kung may grupo bang sangkot dito at kung saan ibabagsak ang mga nakumpiskang cocaine. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber cocaine, drugs, war on drugs, NAIA, tagalog news, teleradyo Read More: cocaine drugs war on drugs NAIA tagalog news teleradyo