PatrolPH

Mahigit 60 gun ban violators nahuli sa Maynila

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2022 07:37 AM

Watch more News on iWantTFC

Ayon sa Manila District Director na si PBGen Leo M. Francisco higit 60 nang firearms ang nakumpiska ng Manila Police mula ng ipinatupad ang Comelec gun ban nuong Enero. 

Ang nationwide gun ban na ipinataw ng Comelec para sa national at lokal na halalan ay nagsimula ng Enero 9 at magtatagal hanggang Hunyo 8, 2022.

Kada araw mayroong 14 na Comelec checkpoints ma umiikot sa lungsod ng Manila. Paliwanag ni Francisco, minamabuti nila na siguraduhing random talaga ang mga pinapatigil at hindi lang mga motor ang iniinspeksyonan sa nakatakdang checkpoints. 

Maliban sa Comelec gun ban, binabantayan din daw nila ang ibang election related violations tulad ng pag kabit ng campaign paraphernalia sa labas nag common poster area at vote buying. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.