PatrolPH

Secretary ni Teves inireklamo ang ilang taga-CIDG ng umano'y pananakot

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2023 07:26 PM | Updated as of Mar 20 2023 09:32 PM

Watch more on iWantTFC

Nagsampa ng reklamo sa Commission on Human Rights ang sekretarya ni Negros Oriental 3rd Dist. Rep. Arnolfo Teves Jr. Laban ito sa ilang miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group, na umano’y nanakot at nagbanta sa kaniya para tumestigo laban sa mambabatas.

Itinanggi naman ng CIDG ang alegasyon ng torture at harassment ng sektretarya ni Teves na si Hannah Mae Oray.

“No act of torture nor any form of threat or harassment was made to Oray who was treated well by our personnel during her detention in CIDG-NCR Custodial Facility,” sabi ni PBGen. Romeo Caramat Jr., acting director ng CIDG.

Ayon sa custodial officers ng CIDG-RUF NCR, madalas ring binibisita si Oray ng ng kaniyang kapatid at abogado. Nagpa-Patrol, Vivienne Gulla. TV Patrol, Lunes, 20 Marso 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.