Home > News 2 suspek arestado sa panghahalay sa Quezon City ABS-CBN News Posted at Mar 20 2023 08:23 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA-- Arestado ang isang 56-anyos na lalaki matapos manghipo umano ng menor de edad sa Barangay Holy Spirit, Quezon City. Ayon sa report ng Payatas Bagong Silangan Police Station, tumatawid sa kalsada ang 14-anyos na biktima nang biglang dumating ang lasing na suspek at saka hinipuan ang menor de edad sa maselang bahagi ng katawan nito. Agad namang naaresto ang suspek matapos magsumbong ang biktima sa naka-patrolya na mga pulis. Arestado naman ang isang 20-anyos na lalaki matapos manghalay umano ng nakainumang babae sa Barangay Milagrosa, Project 4, Quezon City. Base sa imbestigasyon, naghalinhinan umano sa panghahalay sa nalasing na biktima si alyas Wacky at isa pang suspek. Nadakip na nitong Linggo si alyas Wacky at pinaghahanap na sa ngayon ang isa pang suspek. Itinanggi naman ni alyas Wacky ang akusasyon sa kanya. Sa huling datos ng PNP, isa ang rape sa pinakalaganap na krimen mula July 2022 hanggang Enero nitong taon. Hinimok naman ng Quezon City Police District na i-dial ang kanilang hotline na 122 para sa agaran nilang pag responde sa mga residente ng Quezon City. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Quezon City panghihipo panghahalay rape molestation TeleRadyo