PatrolPH

Labor group: 4-day workweek, 'di dapat sapilitan

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2022 12:59 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA – Iginiit ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ngayong Biyernes na bagamat pabor sila sa panukalang 4-day workweek, dapat anila'y boluntaryo ito. 

Upang maibsan ang epekto ng taas-presyo sa gasolina, inirekomenda ng National Economic and Development Authority ang pagtatrabaho pa rin ng kabuuang 40 oras sa isang linggo, pero hatiin ito ng 10 oras sa 4 na araw, sa halip na 8 oras sa 5 araw. 

Idiniin ni TUCP spokesman Alan Tanjusay na hindi dapat sapilitan ang naturang set-up, lalo na kung may alinlangan ang mga manggagawa sa kanilang kaligtasan.

“Number one, ang na-encounter namin, na sa pagpapatupad ng 4-day compressed workweek, ay 'yung fatigue at stress na nararanasan ng mga manggagawa,” aniya sa panayam ng TeleRadyo. 

Kabilang aniya ang mga manggagawa ng electronics at manufacturieng industries sa maaaring makaranas ng labis na pagod kung magtatrabaho nang higit sa 8 oars. 

“Gumagamit kasi sila ng microscope para sa mag-welding at mag-assemble ng napakaliit na mga micro and nano chips na ginagawa dito sa ating bansa," sabi ni Tanjusay. 

"Dahil dito ay vulnerable at at-risk sila sa occupational safety and health na kapagka hindi natin ma-address ay nagkakasakit ang mga manggagawa, naapektuhan ang productivity ng kumpanya,” dagdag niya. 

Dagdag pa niya, maaari ring magresulta sa aksidente ang patuloy na na pagtatrabaho ng mga manggagawa nang higit sa 8 oras. 

“Meron kaming mga kaso na sa patahian ng damit, dahil siguro sa kanyang pagod, sa kanyang stress sa pagtatrabaho, may mga insidente na natatahi o nasusugatan yung kanilang mga kamay,” ani Tanjusay.

--TeleRadyo, 18 March 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.