PatrolPH

LGU, mga residente tuloy sa pagsampa ng reklamo ukol sa Mindoro oil spill

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2023 11:19 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Itutuloy ng local government ng Oriental Mindoro at mga residente nito ang pagsasampa ng kaso laban sa kumpanya ng isang barko na nagdulot ng oil spill sa naturang probinsiya.

Ayon kay Oriental Mindoro Humerlito "Bonz" Dolor, criminal at civil cases ang isasampa laban sa RDC Reield Marine Services, na nagmamay-ari ng MT Princess Empress, ang naturang barko sa oil spill incident.

Ani Dolor, puwedeng magsampa ang Coast Guard or kahit sinong sibilyan para sa damages. Nagkakaisa umano sa pagsasampa ng reklamo ang mga bayan at barangay sa Oriental Mindoro na apektado.

Tuloy din umano ang pagsasampa ng kasong kriminal, at patuloy ang imbestigasyon ng Department of Justice sa naturang insidente.

Ani Dolor, prayoridad na matapos ang clean-up drive at ang paninigurado na hindi na makapupunta ang langis sa tabi ng dagat.

Patuloy din umano ang dayalogo sa insurance company at sa mga abogado ukol sa insidente.

Handa naman umano magbigay ng kompensasyon ang LGU sa mga apektadong residente.

Hindi na umano pasado ang quality ng tubig sa mga apektadong lugar sa Oriental Mindor, at hindi na ligtas pangisdaan. - SRO, TeleRadyo, Marso 17, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.