Home > News Exhibit ng mga imaheng pang Mahal na Araw, tampok sa Marikina ABS-CBN News Posted at Mar 17 2023 09:39 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Iba't ibang imahen ni Kristo, Maria at mga santo ang bumibida sa isang exhibit sa Marikina upang gunitain ang pagpapakasakit ni Hesus ngayong panahon ng Kuwaresma. Nasa 25 mga imahen ang nilahok mula pa mga pamilya, organisasyon at indibidwal sa mga lungsod ng Pasig, Parañaque, Taguig at Marikina. Ang tema ng exhibit ay "Katawan ni Kristo: Ang Dakilang Kasaysayan ng Pag-aalay ng Buhay ni Hesus sa Sanlibutan" kung saan tampok ngayong taon ang likhang Kristo na Señor Jesus Despojado na nililok ng tanyag na Kapampangan na iskultor na si Willy Layug. Ang imahen ni Kristo ay halaw sa pangyayari nang siya ay hinubaran ng damit. Kitang kita ang masining na binurdang gintong sinulid sa kasuotan nito. Bakas din sa kanyang mukha ang paglalarawan ng kanyang pagpapakasakit bago nito buhatin ang kanyang papasaning krus. Isa sa mga layunin ng exhibit ay ang pag-alala sa mga bahagi sa kasasayan ng bibliya ng pagliligtas o kaganapan sa Pasyon ni Hesukristo. Hanggang ngayong Linggo March 19 na lamang ang exhibit sa Marikina Riverbanks Center. - Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Kuwaresma Marikina Pasig Parañaque Taguig