PatrolPH

Lalaking nanghalay umano ng katrabaho tiklo sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2022 06:49 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Inaresto ng pulisya ang isang lalaki na nanghalay umano ng katrabaho sa isang operasyon sa Valenzuela City.

Ayon sa mga awtoridad nitong Huwebes, nasa most wanted list ang suspek na si alyas Juayno, residente ng Barangay Canumay East sa lungsod.

Hinainan ng warrant of arrest ang suspek dahil hinalay umano niya ang 22-anyos na katrabaho sa kanilang work barracks.

Si Juayno ay supervisor umano ng babaeng biktima, ayon sa pulisya.

Hinahanda na ang return warrant niya sa Regional Trial Court Branch 283 kung saan pwedeng makapagpiyansa ang suspek sa halagang P120,000. — Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.