Ayuda sa 4Ps beneficiaries tuloy-tuloy sa gitna ng COVID-19 quarantine - DSWD

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2020 01:41 PM

Watch more News on iWantTFC

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuloy-tuloy ang tulong na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa gitna ng kalamidad dahil sa COVID-19. Sinabi sa DZMM ni DSWD Secretary Rolando Bautista, hindi itinigil ang 4Ps dahil matatanggap pa rin ng mga benepisyaryo ang suporta sa kanila ng gobyerno sa pamamagitan ng cash cards. - Headline Pilipinas, Martes, 17 Marso, 2020