PatrolPH

Ilang tsuper ng jeep lumipat na sa pamamasada ng e-buses

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2022 09:04 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Ilang mga tsuper ng jeep ang lumipat na sa pamamasada ng e-buses sa Quezon City kasunod ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa. 

Ayon sa mga drayber, sa e-buses ay wala na silang pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa kuryente na tumatakbo ang kanilang sasakyan.

Permanente na rin ang kanilang 'take home' o naiuuwing pera para sa kanilang mga pamilya.

Ang mga e-bus driver ay kinakailangan umabot sa kanilang P7, 000 na quota upang makapag-uwi ng P700 kada araw. Mas disenteng kita na umano ito kumpara sa P300 kita ngayong napakataas ng diesel at gasolina.

Samantala, ang mga provincial bus naman nakaamba na ring magdagdag ng pasahe dahil nga sa mahal ng produktong petrolyo.

Pero kapansin-pansin na dumami ang kanilang mga pasahero.

Ang mga dati kasing gumagamit ng private vehicles naging praktikal na sa pagsakay sa public transport.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.