Home > News Mga residente ng Navotas, naghahanda na para sa water interruption Andrea Taguines, ABS-CBN News Posted at Mar 15 2023 08:17 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Bukod sa mga balde, nag-ipon ng barya ang residenteng si Annalisa Bueno bilang paghahanda sa naka-schedule na water service interruption sa ilang barangay sa Navotas City, Miyerkoles gabi. Mala vending machine kasi ang pinag-iigiban ng tubig sa isang bahagi ng Barangay Daanghari. Piso ang isang litro ng tubig at P10 naman para mapuno ang malaking timba. Tiniyak naman ng mga opisyal ng barangay na makakaresponde pa rin sila kung sakaling may sumiklab na sunog, kahit may water interruption. Ayon sa Maynilad, ia-upgrade nito ang isang primary pipeline kaya pansamantalang mawawalan ng tubig mula alas-10 ng gabi ngayong Miyerkoles hanggang alas-6 ng gabi sa Huwebes. Mahigit isang dosenang barangay din sa Malabon ang maapektuhan ng water interruption. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Navotas, Malabon Read More: water interruption walang tubig Navotas Malabon Maynilad