Home > News Lalaking pumatay umano sa kaniyang ina, sumailalim na sa inquest proceedings ABS-CBN News Posted at Mar 15 2023 06:26 AM | Updated as of Mar 15 2023 07:53 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Matapos hingan ng NBI ng salaysay ang mga kaanak ng biktima, isinailalim na sa inquest proceedings sa DOJ nitong Martes ang 28-anyos na suspek na pumatay umano sa sarili nitong ina noong Marso 4. Ayon sa isa sa mga kapatid ng biktima, hindi niya matanggap ang karumal-dumal na sinapit ng kaniyang kapatid sa kamay ng sarili nitong anak. Ayon naman sa ex-girlfriend ng suspek, malaki ang trauma na sinapit ng kaniyang 6-anyos na anak matapos masaksihan ang mismong pamamaslang sa kaniyang lola. Hindi na rin daw siya nagulat na kayang pumatay ng kaniyang dating kasintahan. Ang suspek, nagsisisi daw sa kaniyang nagawa at handang harapin ang parusa. Nakahanda nang kasuhan ng NBI Anti-Organized Transnational Crime Division ang suspek ng parricide. Sinimulan na ring iburol ang biktima sa isang memorial chapel sa Pasig City nitong Lunes. - Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: NBI DOJ parricide Pasig ina anak patay