Home > News Mag-ina patay sa sunog sa General Trias, Cavite ABS-CBN News Posted at Mar 15 2022 06:42 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Isang mag-ina ang nasawi matapos ma-trap sa nasunog na commercial area sa lungsod ng General Trias, Cavite, Lunes ng hapon. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa isang bahagi ng GenStar Plaza hanggang sa madamay na ang ilang katabing tindahan. Umabot sa ika-4 na alarma ang sunog sa naturang commercial area na sumiklab pasado alas-6 ng hapon. Sunog sumiklab sa gusali ng mall sa Quezon City Pasado alas 8:30 na ng gabi tuluyang naapula ang sunog. Iniimbestigahan ng mga BFP kung paano na-trap ang mag-ina. Inaalam din ang halaga ng mga ari-ariang naabo.—Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, Cavite, sunog Read More: General Trias Cavite sunog BFP