PatrolPH

Jeepney barker na PWD nahagip ng tren sa Makati

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2023 08:59 AM

Watch more on iWantTFC

Sugatan ang isang person with disability (PWD) matapos masagi ng tren ng PNR sa kanto ng Arnaiz Street at Osmeña Highway sa Makati nitong Lunes. 

Ayon sa isa sa mga rescuer, tumawid ang lalaki na napag-alamang barker ng mga jeep habang parating ang tren.

Nagtamo siya ng sugat sa kanang noo na may haba na 1 dangkal matapos mahagip ng tren. Napag alaman din na may fracture siya sa kanyang kaliwang siko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.