Home > News Tunawan ng plastic, nasunog sa Novaliches ABS-CBN News Posted at Mar 13 2023 07:46 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA -- Isang tunawan ng plastik ang tinupok ng apoy sa Barangay Nagkaisang Nayon sa Novaliches, Quezon City. Dahil sa lakas ng apoy, nadamay pati ang katabing gusali. Nakataas pa din sa ikaapat na alarma ang sunog na nagsimula bago mag-hatinggabi. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sa barracks ng mga trabahador ng pabrika nagsimula ang apoy pero hindi pa malinaw kung paano. Ayon sa isang empleyadong nakausap ng ABS-CBN News, pagkagising niya ay may sunog na sa kanyang kwarto. Sinubukan pa niya itong apulahin pero hindi na daw niya kinaya kaya tumakbo na siya palabas. Hanggang Lunes ng umaga ay hirap pa rin ang mga bumberong apulahin ang apoy. Nakausap din ng ABS-CBN News ang isang pamilya na nakatira sa loob ng compound kung saan nangyari ang sunog. Ayon sa kanila, walang nasaktan sa kanila at nailikas nila ang karamihan sa kanilang mga gamit. Sila raw ang unang nagreport ng sunog sa mga bumbero dahil walang contact sa BFP ang mga stay-in na empleyado. Samantala, nagsara na ang ilang kalye papunta dito sa Barangay Nagkaisang Nayon dahil sa sunog. --TeleRadyo, 13 March 2023 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber sunog, fire, tunawan ng plastic, novaliches Read More: sunog fire tunawan ng plastic novaliches