PANOORIN: Exodus sa Metro Manila dahil sa papalapit na 'community quarantine'

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 08:11 AM | Updated as of Mar 13 2020 08:23 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagmamadaling makalabas ng Metro Manila ngayong Biyernes ang ilang mga pasahero bunsod ng papalapit na "community quarantine" na magbibigay ng restriksyon sa pagpasok at paglabas ng rehiyon.

Katulad na lamang sa ilang dumating sa NAIA Terminal 3 na iniisip na baka pati ngayon apektado ang kanilang flights. Wala pa namang kinakansela ang mga airline na mga flights sa ngayon.

Ayon naman sa PAL at Cebu Pacific, kung may mga na-book ng biyahe mula March 15 hanggang April 14, pwede itong i-rebook sa ibang araw at walang rebooking fee na sisingilin. Pwede rin itong i-refund, ilipat sa ibang ruta, o kaya ilagay sa travel fund.

—Umagang Kay Ganda, Biyernes, 13 Marso, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.