Ilang supermarket nilimitahan ang bentahan ng sanitary products

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 08:05 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nilimitahan ng ilang mga supermarket ang bentahan ng mga sanitary products dahil sa mabilis na pag-ubos ng supply nito sa mga pamilihan sa Quezon City nitong Biyernes.

Nagkakabit na ng poster na nagsasabing hanggang dalawa lang ang pwedeng mabiling sanitary products para may tyansa pa ang iba na makabili para sa kanilang pamilya.

Panawagan naman ng Department of Trade and Industry na huwag mag-panic buying lalo na’t sapat naman umano ang sanitary products at iba pang bilihin sa merkado.

Mahigpit rin silang magpapatupad ng price freeze sa ilang mga pangunahing bilihin.

—Umagang Kay Ganda, Biyernes, 13 Marso, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.