Home > News Mga pulis nagset-up ng checkpoint sa boundary ng QC at Rizal ABS-CBN News Posted at Mar 12 2021 10:56 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Buong magdamag na nagsagawa ng heightened police checkpoint ang mga tauhan ng Quezon City Police District Mobile Force Battalion sa boundary ng Batasan at San Mateo sa Rizal. Nasa 20 pulis ang nakapwesto sa lugar at nagpapalitan kada 12 oras. Ilan sa mahigpit nilang binabantayan ay ang mga motoristang lumalabag sa Inter-Agency Task Force safety protocols, tulad ng hindi pagsusuot ng face mask at face shield. Sinisilip din nila kung nag-ooverloading ang ilang public utility vehicle na tumatawid sa lugar tulad ng mga jeep, mga bus at taxi. May mga motorcycle riders din na hinarang ng mga pulis dahil may ka-angkas. Sinilip muna ng mga pulis kung mayroon silang kaukulang dokumento na magpapatunay na sila ay nakatira sa iisang lugar. Pero kung mga TNVS riders na gamit ng commuters basta may barrier ay hindi na hinihingan pa ng IDs o proof of residence na magkasama sila sa iisang lugar ng rider. May isang puting AUV din ang hindi pinayagang makalusot sa checkpoint at pinabalik sa may area ng Rizal matapos mahuling may sakay na bata na mahigpit na ipinagbabawal sa QC. Mas naghigpit ang pagsasagawa ng checkpoints sa mga lugar sa QC bunsod na rin ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. - TeleRadyo 12 Marso 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber police checkpoint, safety protocols, IATF protocols, minimum health protocols, Teleradyo Read More: police checkpoint safety protocols IATF protocols minimum health protocols Teleradyo