PatrolPH

Lalaking nagpakalat ng 'fake news' tungkol sa COVID-19, ipinatawag ng NBI

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 08:44 AM

Watch more on iWantTFC

Ipinatawag ng National Bureau of Investigation ang isang lalaking nagpakalat umano ng fake news sa social media nitong Pebrero hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Nag-upload si Zaldy Maguigad ng video na nagsasabing may Chinese umanong nangingisay sa Malate, nilalagnat at baka makahawa sa sakit. 

Pinabulaanan ito ng Manila City Hall at tinawag na fake news ang ikinalat niyang video.

Humingi si Maguigad ng tawad sa mga awtoridad ngunit tuloy pa rin ang kaso laban sa kanya ayon sa National Bureau of Investigation.

Ayon kay Vic Lorenzo ng NBI, kung mapAQapatunayang nagkasala si Maguigad maaari siyang makulong hanggang anim na buwan at pagmumultahin ng P200,000.

Ipinatawag na rin ng NBI ang iba pang natunton na nagpapakalat ng fake news hinggil sa kumakalat na virus. Anila, maniwala lamang sa Department of Health at lokal na pamahalaan hinggil sa impormasyon. 

—Umagang Kay Ganda, Huwebes, 12 Marso, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.