Home > News Higit 600 sa NCR inaresto na sa paglabag sa Comelec gun ban ABS-CBN News Posted at Mar 10 2022 06:41 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA—Aabot sa 607 ang bilang ng mga indibidwal na nahuli na lumalabag sa Comelec gun ban sa Metro Manila. Ayon sa National Capital Region Police Office nitong Miyerkoles, 410 sa mga indibidwal na inaresto ay nahuli dahil sa pagpapatrolya ng mga pulis, at 150 naman ang dahil sa magkakahiwalay na police operation. Nasa 39 naman ang nahuli sa mga police checkpoints at 4 ay noong nagsisilbi sila ng mga search warrant. Aabot naman sa 234 ang bilang ng mga firearm na kanilang nakumpiska, habang 67 naman ang mga improvised firearms kagaya ng sumpak at iba pa. PNP: 618 individuals arrested nationwide for violating #Halalan2022 gun ban Nakasaad sa Section 261 ng Omnibus Election Code na lahat ng mahuhuling lalabag sa gun ban o anumang election offense ay maaaring makulong 1 hanggang 6 na taon. 33 arrested in Metro Manila during first week of election gun ban: police Magtatagal ang election gun ban hanggang June 8.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, Comelec, Halalan 2022, gun ban Read More: Comelec Comelec gun ban NCR Metro Manila National Capital Region Police Office firearm