Quarantine pass at color-coding scheme, posibleng ibalik sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2021 10:35 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Pinag-aaralan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong ang pagpapairal muli ng quarantine pass at color-coding scheme sa mga pamilihan.

Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Mayor Menchie Abalos na ito ay upang malimitahan muli ang paglabas ng mga residente bunsod ng pagtaas ng naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Idinagdag ng alkalde na maghihigpit din sila sa mga bumibiyaheng pampublikong sasakyan gaya ng pagiinspeksiyon sa mga barrier ng pampasaherong jeep at pagpapairal ng one passenger policy sa mga tricycle.
 
- TeleRadyo 10 Marso 2021