Home > News Ilang bus na nagteterminal sa BIR Road, hindi nakakasunod sa safety protocols kontra COVID-19 ABS-CBN News Posted at Mar 10 2021 09:41 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA -Maraming mga pampublikong bus ang hindi pa rin nakakasunod sa mga ipinatutupad na safety protocols laban sa pagkalat ng COVID-19. Ang dating terminal ng bus sa Agham Road sa Quezon City ay inilipat ngayon sa BIR Road kasunod ng bagong safety protocol na ipinalabas ng Department of Labor and Employment. Ipinag-utos na ng DOLE simula Martes na dapat bawat biyahe ng bus ay nadi-disinfect ang kanilang mga behikulo. Bukod dito, kailangang mapanatili nilang maayos ang ventilation sa bawat bus. Ilang sa mga bus driver sa terminal sa BIR Road ay naninindigang kaya nilang sumunod sa pag-uutos ng DOLE, habang may iba namang hindi pa rin makasunod. Kadalasan ay hindi na rin nasusunod ang mga naunang ipinatutupad na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield ng tama, pagkuha ng temperature check at physical distancing sa pagpila ng mga pasahero. - TeleRadyo 10 Marso 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Safety protocols, COVID-19, transportation new normal, bus, TeleRadyo Read More: Safety protocols COVID-19 transportation new normal bus TeleRadyo