PatrolPH

3 sugatan sa karambola ng 7 sasakyan sa Parañaque City

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2021 10:18 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Tatlo katao ang sugatan sa naganap na karambolang kinasangkutan ng pitong behikulo sa may bahagi ng East Service Road at South Luzon Expressway.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikitang binangga ng isang truck ang sinusundan sasakyan sa southbound lane ng SLEX.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumawid sa linya ng East Service Road ang truck bago bumangga sa kasalubong na sasakyan.

Nagpapagaling na sa ospital ang mga nasugatan habang iniimbestigahan ang naturang insidente.

- TeleRadyo 10 Marso 2021 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.