Grupo nanawagan na protektahan ang mga industriyang maaapektuhan ng novel coronavirus

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2020 08:45 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nanawagan sa pamahalaan ang Trade Union Congress of the Philippines na gumawa na ng mga hakbang na poprotekta sa kapakanan ng mga industriyang maaaring maapektuhan ng novel coronavirus.

Ayon sa grupo, maraming apektadong mga manggagawa katulad na lamang sa sektor ng agrikultura na nag-aangkat ng mga produkto sa iba't ibang bansa at mga taga-manufacturing sektor na kumukuha ng materyales galing Tsina, ang apektado ng naturang virus.

"Persistent ang issue ng manggagawa, 'pag na-quarantine ba kami may bayad ba? Sino ang sasagot sa pagpapagamot? 'Di pa 'yan napapag-usapan. Dapat ho sa pamahalaan manggaling 'yan," anila.
 
Hinikayat naman ng Department of Labor and Employment ang mga employer na dagdagan ang sick leave ng mga empleyado kung kailangan nilang magpa-quarantine na tumatagal ng dalawang linggo.

—Umagang Kay Ganda, Martes, 10 Marso, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.