PatrolPH

Umano'y tangkang pag-hijack ng barko sa Tawi-Tawi, napigilan

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2021 08:10 PM

Watch more on iWantTFC

Napigilan ng mga miyembro ng Philippine Navy ang umano'y tangkang pangha-hijack sa isang barko sa karagatan ng Tawi-Tawi noong Marso 3.

Ayon kay AFP Western Mindanao Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., hinarass ng tatlong lalaking sakay ng speedboat ang MV Akig Peal na galing Bongao papuntang Sibutu.

Nakatanggap ng tawag ang kanilang Littoral Monitoring Station (LMS) sa Bongao at agad silang nakipag-ugnayan at pinalarga ang Boat Attack 489 sa lokasyon ng barko para bigyang-tulong ito.

Iniskortan ng Philippine Navy ang barko papunta sa kanilang destinasyon para matiyak ang kaligtasan ng crew at pasahero.

Nag-deploy na ng naval at aerial assets ang awtoridad para matiyak ang kaligtasan ng mga dumadaang sasakyang pandagat sa lugar. 

- TeleRadyo 9 Marso 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.